Saturday, March 14, 2015

Repleksyon

Ngayong linggo,
Feeling college ang antimony.
PRELIMS namin nung lunes at martes.
Hindi naman masyadong mababa ang nakuha kong score sa filipino.Masaya din ako dahil sa lahat ng major subject,sa filipino lang ako nakakuha ng mataas na score.

Pagkatapos naman ng exam,este PRELIMS namin. Ipinagpatuloy pa rin namin ang pagtalakay namin kay sisa at Maris Clara. Doon mas nakilala ko si maria clara at nagkaroon ako ng malawak na pagtingin sa pag ibig.
Pag ibig nga naman kapag napaguusapan sobrang go ang section one.

Lumipat din kami ng ibang room dahil nagkacareer orientation ang 4th year. Katabi lang kasi ng room namin yung court.eh sa lakas ba naman ng speaker ng school.
Hayahay ang buhay ng section one. Yes! May mga oras na ibinibigay na sa amin ng mga subject teacher namin yung mga oras nila.

Saturday, March 7, 2015

Repleksyon

Ngayong linggo, kinilala namin isa isa ang mga tauhan sa Noli Me Tangere.
Bukod kay ibarra,tinalakay namin ang buhay ni Maria Clara,Sisa at Elias.

Nalaman ko rin ang masamang sinapit ng pamilya ni Elias sa kamay ng mga ninuno niya. Ngunit isinawalang bahala na lamang ito ni elias at inisip na kailangan niyang iligtas si ibarra. maging ang pagpaparaya ni Maria Clara sa pagiibigan nila ni ibarra at ang lihim na nabunyag mula kay Padre Damaso.
Amin ding natanaw ang pagiging isang ulirang ina ni Sisa sa kanyang mga anak at asawa.

Saturday, February 28, 2015

Repleksyon

Ngayong linggo, maraming bakanteng upuan sa room namin. Panahon kasi ng pangangampanya ng SSG kaya karamihan sa amin ang excuse.

Habang wala ang karamihan.nagsagawa kami ng Mock Trial. Dito lilitisin namin sina Crisostomo Ibarra at Elias. Napakahusay ng ginawang paglilitis ni Ostia kay ibarra kaya nakatutuwang panuorin ang mock trial na ito. Nakatutuwa din ang ginawa ni bueno para ipagtanggol si elias at sa huli sila rin ang nagwagi.

Pagkatapos, nagkaroon kami ng pagsusulit noong sumunod na araw.

Saturday, February 21, 2015

Repleksyon

Aww.Nawala na ang malamig na simoy ng hangin.hudyat na ng pagpasok ng tag-init.

Pero bago yan.Graduation muna.bye bye mga 4th year.
Hello grade 10! Yeah!

Iniisip ko palang nachachallenge na ako sa grade 10.hindi ko kasi alam kung madadalian ba ako dito at kung maipagpapatuloy ko ba ang aking pangarap na makaakyat sa stage at kumuha ng medalya kasama ang aking mga magulang.Tiyak na susubukan kami ng susunod na taon.Pero tama na ang pagiging negative! Be positive! Aja!

Ngayong linggo napanood namin ang BONIFACIO,nakatutuwa dahil isa ito sa mga palabas sa cinemelaya na gusto kong mapanood.Marami kasi itong nakuhang parangal noong nagawarding.Kung kaya inisi ko na maganda ang palabas na ito.

Muli din namin binalikan ang mga mahahalagang pangyayari  sa buhay ni Crisostomo Ibarra at iniugnay namin ito sa kanya.Ang bilis naming natapos ang Noli Me Tangere at masaya ako dahil natapos namin ito ng maaga kaysa sa ibang section.

Oh sige,magdodrawing pa ako ng takdang aralin namin sa Filipino!
Babush!

Sunday, February 15, 2015

Repleksyon

Ohayo!
Natutuwa ako kay Trixie Usa. Bakit?
Kasi nakakahawa yung pagjajapanese niya sa room.
Bumabalik tuloy yung mga japanese words na natutunan ko dati sa kakabasa ng wattpad stories.

Trending ngayon yung salitang "nandemonai!"
Natatawa ako kasi ginagawa nila ng tagalog version. 
"PANDEMONAI!" Daw.

Kidding aside, ngayong week maraming umiibig.Valentines na kasi sa sabado.
Syempre,marami na namang lovers na magdedate at ito ring ang panahon na kung saan malago ang bentahan ng mga bulaklak.

Araw ng mga puso, AT kitang kita naman sa room.
Ang ganda ng design ng room namin,sadyang bitter lang talaga yung mga kaklaseko kaya hindi nila maappreciate.oh di ba? Single sila ehh wala tayong magagawa.

Isa rin siguro sa dahilan kung bakit maraming kaklase ko ang hindimmakaramdam ng Valentines ay dahil HAGGARD ang february nila.lalo na ngayong week.

Ngayon ko lang nasubukan ang buhay ng isang artista.Shooting doon, shooting dito.Peroproud pa rin ako para sa Antimony kasi kahit na sobrang hirap gawin ang film ng sabay sabay, natapos at nakayanan pa rin namin iyon ng sama sama.Siguro inisip din nila na kailangan namin itong gawin para sa grade namin ang nakasalalay dito.Sobrang ang ulo ng antimony noong biyernes,nakisabay pa ang friday 13th eh.Pero kahit na ganun tinapos parin namin ang pagshoshoot at ibinigay ang araw ng sabado at linggo para sa mga mag-eedit.

Oh siya sige,ako'y hahayo muna at magpapakarami.

Friday, February 6, 2015

Repleksyon




Nararamdaman ko ang pagod ko ngayong linggo.Parang ibinuhas sa akin lahat ng sakit sa ulo at sa katawan pagkatapos ng mga nakarang linggo.Kaya lagi na akong maagang natutulog at maagang gumigising upang gawin ang aking mga takdang aralin.Ngunit may nadiskubre ako.Mas maganda palka kapag ganito,Hindi masyadong nakakapuyat.Kaya simula ngayon,ganoon na ang aking gagawin.
Martes na martes ay nagulantang ako ng Makita ko ang aking mga kagrupo na nagpupulong na tila ba’y may pinagkakaguluhan.Ganoon din naman ang nakita ko sa iba ko pang mga kamag-aral.Naalala ko bigla na ngayon pala an gaming cosplay.Agad akong humingi ng tulong sa mga kagrupo ko para kumuha ng aking isusuot.Agad naman akong nagtanung sa aming pinuno kung sino ang aking icocosplay.At sinabi niyang si DONYA VICTORINA.sobra akong nagualat dahil ibang iba ang ugali sa akin ni donya victorina.At ito rin ang unang beses ko na mag-aarte sa harap ng aking mga kamag-aral.
Nagsimula na nga ang naunang pangkat at sinundan ng pangaalng pangkat na sinundan naman n gaming grupo.Natuwa naman ako dahil nagawa ko ng maayos ang naiatas sa akin.Natuwa din ako sa mga sinasabi ng aking mga kamag-aral na bagay das a akin si donya victorina ngunit lubbos akong nagalak ng gayahin ni Mae Batitia si donya victorina at gayang gaya niya ito.
Ipinagpatuloy lamang namin an gaming aralin hanggang sa dumating ang biyenes! TGIF! Magpapahinga ako ng lubos-lubusan upang may makuha akong lakas para sa darating na linggo!
Salamat!

Monday, February 2, 2015

Repleksyon



Uunahin ko na muna ang nangyari sa aming silid bago tayo pumuntang boso-boso noong nagcamping kasi ng mga GSP.
Amin ng tinalakay ang mga tauhan sa Noli Me Tangere.Dito mas kinilala naming sila sa pamamagitan ng pagahhambing ng  mga tauhan sa mga taong nakapalibot sa kanya sa panahon na isinusulat niya ito.
Sa pagdating naman ng biyernes,pumunta kami sa BOSO-BOSO HIGHLANDS RESORT kung saan kami  magcacamping.Lubos akong nagalak dahil ito ang unang pagakkataon na nakasama ako sa camping sa labas n gaming eskelahan.Dito ko naramdaman ang pagiging Independent ko.
Sa unang araw, tulong tulong kaming nagtayo n gaming tent.nakakatua dahil malaki ang napunta saming espasyo dahil nga malaki din naman ang tinayo naming tent.sinunod naming gawin an gaming mga gadgets.doon naming inilagay ang mga gamit naming sa kusina.
Sa pangalaang araw naman ay ang araw ng mga activities.Dito sobra kaming napagod.nagswimming kami,nagluto,nag-knot tying at ang panghuli ay ang paggaa naming ng sarili naming festival.Ako ang napiling pinuno n gaming grupo na binunuo ng mga eskelahan mula sa Calawis NHS,San Roque NHS,Mambugan NHS at ang isa pang eskelahan.Sobra akong nasubok bilang pinuno niito dahil may hindi pagkakaintidihan sa mga steps at music.Ngunit salamat kay Ma’am Arriola dahil tinulungan niya kaming tapusin ito ng maayos.
Sa panghuling araw ay ang pagprepresenta naming ng aming nabuong festival.Lubos akong nasiyahan sa panagbenga festival dahil nagaa nila ito ng maayos.Dito na rin ibinigay an gaming mga sertipiko at badges.ito ang huling araw ng aming camping.
Pagbalik ay muli ko na namang nalanghap ang hangin sa Mambugan.Masaya ako dahil nakasurvive kami sa ganoong uri ng pamumuhay.Kahit na umitim at namalat ang aming mga labi ay tuwanqtuwa pa rin naming pinagkwekwentuhan  ang mga pangyayari sa camping na iyon.
Isang Nakakapagod na linggo ngunit isang linggong punong-puno ng mga masasayang ala-ala.

Sunday, January 25, 2015

Repleksyon




Damang dama ko ang bigat ng katawan ko ngayon.
Kayo? Nararamdaman niyo rin ba?
Ang lamig lamig kasi tuwing umaga,kaya masarap matulog.parang mas nararamdaman ko tuloy ang simoy ng kapaskuhan ngayon kaysa noong nakaraang desyembre.Masarap kumain ng mga may sabaw-noodles,sinigang maging ang mag-kape na samahan pa ng pandesal ay nakagiginhawa sa pakiramdam.
Ngayong linggo,pinag-aralan naming ang kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere ni Rizal.Dito iniugnay namin ang mga pangyayari bago naisulat ni rizal ang Noli Me Tangere sa mga ilang pangyayari sa akda.Nagkaroon din kami ng pagsasanay.
Hanggang dito na muna! Sorry na talaga! Ang hirap ng walang internet dito sa bahay eh! Kaya hindi ako masyadong makapg-update! Gomemasen! ^___^V.

Tuesday, January 20, 2015

Repleksyon

Unang beses kong pumasok ngayon sa aming klase ng iisa lamang ang dalang bag,3rd periodical test kasi namin ngayon.Sa mga ordinaryong araw kasi,kadalasang makikita mo ako na may dalang malaking bagahe na animo’y magcacamping sa ibang bansa.Isang shoulder bag na mabigat ang nakasabit sa aking kaliwang balikat habang isang asul na bag na binibitbit naman sa kanan.Natapos ang dalawang araw na pagsusulit namin.Nakakapagod at nakakawala ng langis sa utak, talaga atang ganoon kahirap ang mapabilang sa unang pangkat.Ngunit kahit ganoon,Masaya pa rin ako at nakakayanan kong malagpasan at magawa ang mga Gawain dito.Lahat ay nagagalak dahil napapabalitang wala kaming pasok sa huwebes at biyernes dahil darating si Pope Francis.At gaya ng isang tipikal na estudyante,natuwa ako dahil panahon ko na iyon para magpahinga at gawin ang iba pang gawaing naiwan.Pero dahil nasa Antipolo kami,Nyeks! Nagkamali lang pala ako ng nasagap na balita.Kaya ayun,tuloy tuloy ang naging pasok namin.
Nagsara ang ikatlong markahan at panahon na para magbukas ang pinto ng ika-apat na markahan.Lubos akong natuwa.Kilala ko kasi ang sarili ko bilang masipag sa ika-apat na markahan kaysa sa iba.Ito ang oras para bumawi kahit huli na.Natuwa naman ako ng ibalita sa amin ni Gng.Mixto na ang tatalakayin namin ang Noli Me Tangere.Madami ko ng beses sinubukan na pahapyawang basahin ito ngunit gaya nga ng sinabi ko “isa akong klase ng tao na masipag kapag huli na” at yun ang gusto kong mabago sa susunod na taon.so back to the topic! Pinakilala sa amin ni Gng.Mixto ang Noli Me tangere.Naeengganyo tuloy akong bumili ng librong ito.Sinabi din ni Gng.Mixto kung anu-anu ang mga inaasahang produkto dito.
  1. ·         Pagbuo ng trailer
  2. ·         Pagsasagawa ng short film

Magkahalo ang naramdaman kong emosyon.Natuwa ----------à ^____________^.Dahil nakakaexcite na gumawa ng isang short film at trailer at hindi mo rin maiiwasan na mas mapalapit pa sa iyong mga kagrupo dahil sa bonding na mabubuo sa inyo.Nachallenge >.< din lalo na nung tinanung ni Gng.Mixto kung gusto ba naming mahati sa dalawang grupo o manatili sa kasalukuyang ayos ng grupo namin.Noong una,mas pinili ko ang dalawahang grupo dahil alam kong mauubusan kami ng tauhan at mga staff.Ngunit naisip ko rin na maganda ang grupong nabuo ng grupo ko.Kaya mas pinili ko na manatili bilang pangkat apat.
At bilang pangwakas,Gusto kong batiin ang akong sarili sa napakahabang repleksyon ko ngayong week! Omegerd!
PS:Sorry sa napaka-PLAIN na pag-update ko sa blog! May naging problema lang kasi.^____________^V.

Babawi ako!yan na ah!XD

Friday, January 9, 2015

Repleksyon 8

       Ngayong Linggong ito, ay napakarami nating tinalakay.Ngunit bago ang lahat,binalikan natin ang pagpapasidhi ng damdamin. At tayo'y tumungo na sa sanaysay,ito'y isang tuluyang kathang naglalahad ng kaalaman,kuro-kuro o damdamin.Maging ang tatlong elemnto ng sanaysay-Paksa,Tonno at Kaisipan.Isa rin ang 4 na uri ng teketo-nagsasalaysay,nagbibigay impormasyon,nanghihikayat at nagbibigay argumento.At ang huling paksa ay ang Pamaksang pangungusap at ang mga pantulong na pangungusap.
       Nagkaroon din tayo ng pagsusulit para sa mga aralin.

Repleksyon 7

Ngayong huling linggo ng pasukan para sa taong ito ay si Bb.basbas ang nagturo sa amin.Nagbalik tanaw kami sa akdang "Elehiya sa kamatayan ng aking kapatid"maging ang "Dalit kay Maria".Nagkaroon din kami ng pagtatalakay sa Pagpapasidhi ng damdamin.Ito'y ginagawa sa pamamagitang ng pag-aayos ng mga salita mula sa pinakamataas na kahulugan/emosyon hnggang sa pinakamababa o mababa hanggang pataas.