Sunday, January 25, 2015

Repleksyon




Damang dama ko ang bigat ng katawan ko ngayon.
Kayo? Nararamdaman niyo rin ba?
Ang lamig lamig kasi tuwing umaga,kaya masarap matulog.parang mas nararamdaman ko tuloy ang simoy ng kapaskuhan ngayon kaysa noong nakaraang desyembre.Masarap kumain ng mga may sabaw-noodles,sinigang maging ang mag-kape na samahan pa ng pandesal ay nakagiginhawa sa pakiramdam.
Ngayong linggo,pinag-aralan naming ang kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere ni Rizal.Dito iniugnay namin ang mga pangyayari bago naisulat ni rizal ang Noli Me Tangere sa mga ilang pangyayari sa akda.Nagkaroon din kami ng pagsasanay.
Hanggang dito na muna! Sorry na talaga! Ang hirap ng walang internet dito sa bahay eh! Kaya hindi ako masyadong makapg-update! Gomemasen! ^___^V.

Tuesday, January 20, 2015

Repleksyon

Unang beses kong pumasok ngayon sa aming klase ng iisa lamang ang dalang bag,3rd periodical test kasi namin ngayon.Sa mga ordinaryong araw kasi,kadalasang makikita mo ako na may dalang malaking bagahe na animo’y magcacamping sa ibang bansa.Isang shoulder bag na mabigat ang nakasabit sa aking kaliwang balikat habang isang asul na bag na binibitbit naman sa kanan.Natapos ang dalawang araw na pagsusulit namin.Nakakapagod at nakakawala ng langis sa utak, talaga atang ganoon kahirap ang mapabilang sa unang pangkat.Ngunit kahit ganoon,Masaya pa rin ako at nakakayanan kong malagpasan at magawa ang mga Gawain dito.Lahat ay nagagalak dahil napapabalitang wala kaming pasok sa huwebes at biyernes dahil darating si Pope Francis.At gaya ng isang tipikal na estudyante,natuwa ako dahil panahon ko na iyon para magpahinga at gawin ang iba pang gawaing naiwan.Pero dahil nasa Antipolo kami,Nyeks! Nagkamali lang pala ako ng nasagap na balita.Kaya ayun,tuloy tuloy ang naging pasok namin.
Nagsara ang ikatlong markahan at panahon na para magbukas ang pinto ng ika-apat na markahan.Lubos akong natuwa.Kilala ko kasi ang sarili ko bilang masipag sa ika-apat na markahan kaysa sa iba.Ito ang oras para bumawi kahit huli na.Natuwa naman ako ng ibalita sa amin ni Gng.Mixto na ang tatalakayin namin ang Noli Me Tangere.Madami ko ng beses sinubukan na pahapyawang basahin ito ngunit gaya nga ng sinabi ko “isa akong klase ng tao na masipag kapag huli na” at yun ang gusto kong mabago sa susunod na taon.so back to the topic! Pinakilala sa amin ni Gng.Mixto ang Noli Me tangere.Naeengganyo tuloy akong bumili ng librong ito.Sinabi din ni Gng.Mixto kung anu-anu ang mga inaasahang produkto dito.
  1. ·         Pagbuo ng trailer
  2. ·         Pagsasagawa ng short film

Magkahalo ang naramdaman kong emosyon.Natuwa ----------à ^____________^.Dahil nakakaexcite na gumawa ng isang short film at trailer at hindi mo rin maiiwasan na mas mapalapit pa sa iyong mga kagrupo dahil sa bonding na mabubuo sa inyo.Nachallenge >.< din lalo na nung tinanung ni Gng.Mixto kung gusto ba naming mahati sa dalawang grupo o manatili sa kasalukuyang ayos ng grupo namin.Noong una,mas pinili ko ang dalawahang grupo dahil alam kong mauubusan kami ng tauhan at mga staff.Ngunit naisip ko rin na maganda ang grupong nabuo ng grupo ko.Kaya mas pinili ko na manatili bilang pangkat apat.
At bilang pangwakas,Gusto kong batiin ang akong sarili sa napakahabang repleksyon ko ngayong week! Omegerd!
PS:Sorry sa napaka-PLAIN na pag-update ko sa blog! May naging problema lang kasi.^____________^V.

Babawi ako!yan na ah!XD

Friday, January 9, 2015

Repleksyon 8

       Ngayong Linggong ito, ay napakarami nating tinalakay.Ngunit bago ang lahat,binalikan natin ang pagpapasidhi ng damdamin. At tayo'y tumungo na sa sanaysay,ito'y isang tuluyang kathang naglalahad ng kaalaman,kuro-kuro o damdamin.Maging ang tatlong elemnto ng sanaysay-Paksa,Tonno at Kaisipan.Isa rin ang 4 na uri ng teketo-nagsasalaysay,nagbibigay impormasyon,nanghihikayat at nagbibigay argumento.At ang huling paksa ay ang Pamaksang pangungusap at ang mga pantulong na pangungusap.
       Nagkaroon din tayo ng pagsusulit para sa mga aralin.

Repleksyon 7

Ngayong huling linggo ng pasukan para sa taong ito ay si Bb.basbas ang nagturo sa amin.Nagbalik tanaw kami sa akdang "Elehiya sa kamatayan ng aking kapatid"maging ang "Dalit kay Maria".Nagkaroon din kami ng pagtatalakay sa Pagpapasidhi ng damdamin.Ito'y ginagawa sa pamamagitang ng pag-aayos ng mga salita mula sa pinakamataas na kahulugan/emosyon hnggang sa pinakamababa o mababa hanggang pataas.