Saturday, March 14, 2015

Repleksyon

Ngayong linggo,
Feeling college ang antimony.
PRELIMS namin nung lunes at martes.
Hindi naman masyadong mababa ang nakuha kong score sa filipino.Masaya din ako dahil sa lahat ng major subject,sa filipino lang ako nakakuha ng mataas na score.

Pagkatapos naman ng exam,este PRELIMS namin. Ipinagpatuloy pa rin namin ang pagtalakay namin kay sisa at Maris Clara. Doon mas nakilala ko si maria clara at nagkaroon ako ng malawak na pagtingin sa pag ibig.
Pag ibig nga naman kapag napaguusapan sobrang go ang section one.

Lumipat din kami ng ibang room dahil nagkacareer orientation ang 4th year. Katabi lang kasi ng room namin yung court.eh sa lakas ba naman ng speaker ng school.
Hayahay ang buhay ng section one. Yes! May mga oras na ibinibigay na sa amin ng mga subject teacher namin yung mga oras nila.

Saturday, March 7, 2015

Repleksyon

Ngayong linggo, kinilala namin isa isa ang mga tauhan sa Noli Me Tangere.
Bukod kay ibarra,tinalakay namin ang buhay ni Maria Clara,Sisa at Elias.

Nalaman ko rin ang masamang sinapit ng pamilya ni Elias sa kamay ng mga ninuno niya. Ngunit isinawalang bahala na lamang ito ni elias at inisip na kailangan niyang iligtas si ibarra. maging ang pagpaparaya ni Maria Clara sa pagiibigan nila ni ibarra at ang lihim na nabunyag mula kay Padre Damaso.
Amin ding natanaw ang pagiging isang ulirang ina ni Sisa sa kanyang mga anak at asawa.