Tuesday, January 20, 2015

Repleksyon

Unang beses kong pumasok ngayon sa aming klase ng iisa lamang ang dalang bag,3rd periodical test kasi namin ngayon.Sa mga ordinaryong araw kasi,kadalasang makikita mo ako na may dalang malaking bagahe na animo’y magcacamping sa ibang bansa.Isang shoulder bag na mabigat ang nakasabit sa aking kaliwang balikat habang isang asul na bag na binibitbit naman sa kanan.Natapos ang dalawang araw na pagsusulit namin.Nakakapagod at nakakawala ng langis sa utak, talaga atang ganoon kahirap ang mapabilang sa unang pangkat.Ngunit kahit ganoon,Masaya pa rin ako at nakakayanan kong malagpasan at magawa ang mga Gawain dito.Lahat ay nagagalak dahil napapabalitang wala kaming pasok sa huwebes at biyernes dahil darating si Pope Francis.At gaya ng isang tipikal na estudyante,natuwa ako dahil panahon ko na iyon para magpahinga at gawin ang iba pang gawaing naiwan.Pero dahil nasa Antipolo kami,Nyeks! Nagkamali lang pala ako ng nasagap na balita.Kaya ayun,tuloy tuloy ang naging pasok namin.
Nagsara ang ikatlong markahan at panahon na para magbukas ang pinto ng ika-apat na markahan.Lubos akong natuwa.Kilala ko kasi ang sarili ko bilang masipag sa ika-apat na markahan kaysa sa iba.Ito ang oras para bumawi kahit huli na.Natuwa naman ako ng ibalita sa amin ni Gng.Mixto na ang tatalakayin namin ang Noli Me Tangere.Madami ko ng beses sinubukan na pahapyawang basahin ito ngunit gaya nga ng sinabi ko “isa akong klase ng tao na masipag kapag huli na” at yun ang gusto kong mabago sa susunod na taon.so back to the topic! Pinakilala sa amin ni Gng.Mixto ang Noli Me tangere.Naeengganyo tuloy akong bumili ng librong ito.Sinabi din ni Gng.Mixto kung anu-anu ang mga inaasahang produkto dito.
  1. ·         Pagbuo ng trailer
  2. ·         Pagsasagawa ng short film

Magkahalo ang naramdaman kong emosyon.Natuwa ----------à ^____________^.Dahil nakakaexcite na gumawa ng isang short film at trailer at hindi mo rin maiiwasan na mas mapalapit pa sa iyong mga kagrupo dahil sa bonding na mabubuo sa inyo.Nachallenge >.< din lalo na nung tinanung ni Gng.Mixto kung gusto ba naming mahati sa dalawang grupo o manatili sa kasalukuyang ayos ng grupo namin.Noong una,mas pinili ko ang dalawahang grupo dahil alam kong mauubusan kami ng tauhan at mga staff.Ngunit naisip ko rin na maganda ang grupong nabuo ng grupo ko.Kaya mas pinili ko na manatili bilang pangkat apat.
At bilang pangwakas,Gusto kong batiin ang akong sarili sa napakahabang repleksyon ko ngayong week! Omegerd!
PS:Sorry sa napaka-PLAIN na pag-update ko sa blog! May naging problema lang kasi.^____________^V.

Babawi ako!yan na ah!XD

No comments:

Post a Comment